My Journal From The Virtual World 2020
10:40 Pm
5:30 AM
June 20 2016
Sana makapag teleport na ako kapag nag lucid dreaming.
Naka focus ako sa right hand ko at agad nakatulog dahil sa sobrang puyat, nagising ako dahil napansin ko na biglang umangat yung right hand ko. Sinubukan kong tumayo, nung una ay medyo nag alangan pa, dahil baka magising lang ako, pero ginawa ko nalang kahit anong mangyari.
Nakita ko yung mismong hinihigaan ko, takbo agad ako palabas ng kwarto, yung lugar medyo pa hapon na at malakas ang ulan na medyo creepy. Lumabas ako ng bahay at napansin ko na wala akong suot pang ibaba, nahiya ako baka may makakita sa akin, tapos sa ganon pang sitwasyon. Pumasok ulit ako sa loob ng bahay at diretso papuntang kusina, napa isip ako at nangamba na baka reality parin ito!?.
Napansin ko yung pintuan ay nawala! na dapat ay meron. Tinry ko na mag hanap pa ng mga weird things, nakita ko yung calendar na nasa dingding ay 2020 yung year na nakalagay. Astig! nakaka amaze kasi nasa 2020 ako... haha, naisip ko na mag explore nalang sa labas, at mag hanap ng iba pang weird. Nasa main door na ko nung naala ko na mag teleport sa isa kong friend. Di ko pa na try mag teleport dahil newbie palang din ako sa ganito, pero nag baka sakali nalng din.
Nag visualize ako ng circle sa lapag, may na create na black circle na akala ko ay yun na yung portal for teleportation, tumalon ako doon pero walang nangyari. Ang main goal ko kasi ay ang pag teleport, kaya naala ko agad. Siguro ay lack of knowledge at concrete visualization kaya ako na failed. Naisip ko nalang na mag spy sa mga kapit bahay namin (spoiler), naisip ko na pumunta sa bahay ni ka Liway at pasukin yung loob nila, sila kasi ang may pinaka malaking bahay sa lugar namin kaya naisip ko yun. Habang tumatakbo ako napag tanto ko na baka masama iyon.
Napa hinto ako sa bahay ni ka Nora at nakaharap sa batong dingding. Nakita ko yung reflection ko sa dingding, dahil sa tubig ng ulan. Sinubukan kong tumagos dahil alam kong pwede, paulit ulit ko ginawa pero solid yung bato. Medyo nainip na ko at naisip ko na bumalik nalang sa bahay. Yung pintuan namin ay nag iba nung pagbalik ko, naging kahoy na luma na walang hawakan. Sarado ito tapos biglang bumukas, nakita ko may isang lalaki sa loob, hindi kompleto ang itsura nya wala syang mga mata at dry yung balat nya, wala din syang private part at walang suot.
Pumipikit na yung isang kong mata, indication ko yun na malapit na ako magising. Napalingon ako sa kanan ko dahil na feel ko na may nakatingin, pag lingon ko papalapit yung isang lalaki na kamukha nung nasa loob at may hawak syang parang pala. Nakaramdam na ako ng takot yung feeling na matatrap ako doon, maya maya ay may humila ng damit pataas. Nilagay nya ako sa ere mga 5 feet ang taas tapos nawala nalang sya.
Medyo marunong na akong lumipad, dahil nakuha ko na yung proper techniques, pero nahirapan parin ako sa pag maniobra ng katawan. Pa paling paling pa ang lipad ko, naala ko yung superman style na nagawa ko na nung nakaraang lucid dreams ko, proper posture, focus at concentration. Feel na feel ko yung pagaspas ng hangin at pag hampas ng ulan sa mukha ko habang lumilipad.
Unti unti nang pumikit yung mga mata ko at napunta ulit ako sa Transitional Stage pero nag decide na akong gumising.
1.) 2020 na calendar
2.) Dry na tao
3.) Dry na tao na may pala
Dapat sa susunod lumipad agad ako papuntang outer space at magtungo sa moon.
Matagal tagal na din nung naging obsess ako sa pag lulucid dreams. Ikaw ba naman na kaya mong gawin kahit mga super powers na sa comics or movies mo lang napapanood, pero sa lucid dreams ay magagawa mo.
No comments