HOY! Nung nakita kong nag post na yung confession ko, pinabasa ko agad kay girlfriend.
"HOOOOOT! GRABE KA NA! MAGCOCONFESS KA NA LANG, MANLALAIT KA PA! T.T ABNORMAL BA KO HA?! BAKIT?! AKALA MO NORMAL KA?! ALIEN KA! KOKEY! ANG LAKI NG ULO MO! ANG PANGIT MO HOY! UNGGOY KA!"
Eksaktong chat nya. Ayun nagtampo na naman sya. At ang nakakatawa tuwing nagtatampo sya, limang piso lang magagastos ko. Limang pisong Hany, Limang pisong Frutos na Lemon, Limang pisong X.O, Limang pisong Stick-O, Limang pisong Manggang hilaw o singkamas. Basta limang piso lang. Yung tipong may makakakain sya habang sinusuyo ko sya sa bahay nila. Habang idinadaan ko sa mga kwento sa kanya ng mga nangyari sakin o sa kaibigan ko hanggang mawala ang init ng ulo nya o yung pagkatampo nya.
Syempre minsan lang yun. Kapag matindi talaga yung pagkatampo nya, jolly spaghetti na nakakapagpasaya dun! O kahit anong paborito kung pagkain. Basta ang motto in life nya, ""Food is life. So love your life.""
Deserve nyang intindihin. Deserve nyang hindi lokohin. Deserve nyang ipaglaban sa topak nya. Deserve nyang ipagmalaki. Deserve nya ang lahat lahat ng sakin.
Dahil kahit sinong babae, bukod sa nanay ko, hindi mahihigitan yung pag-aalaga ng ginawa nya.
FIRST FAMILY GATHERING
Nung araw na unang beses sya nakilala ng pamilya ko, tahimik lang sya. Hindi ako sanay kasi madaldal talaga sya at ayun ang kinuwento ko sa pamilya ko tungkol sa kanya. Akala ko nahihiya lang sya, kaya pinapaapproach ko sya palagi sa mga kapatid ko. Kaso pinagpapawisan sya ng malamig kaya ALAM NA THIS! Natatae sya nun. Normal lang naman samin yun. Medyo natawa lang kami kasi pinigilan nya pa. Nagalit pa sakin si mama kasi hindi ko daw inasikaso. Pero dahil dun, nakasundo nya agad lahat ng tao sa bahay namin.
Ate ko: Ano? Biglang labas no?
Sya: *nagdalawang isip pa ata kung sasagutin pa yung tanong* Opo. Bumulwak nga eh. May tumalsik na tubig
At ayun, kaya siya nagustuhan ng pamilya ko lalo. Openminded yung pamilya ko kaya nagkasundo sila. Hahaha
MONTHS OF LOVE
Every 'monthsary' namin, parang sya yung lalaki. Dahil palagi na lang akong may inuuwing home made na cupcakes, macaroons, o kahit anong sweets galing sa kanya. Minsan may kasama pa yung bote o jar o hand made na box na punong puno ng letters, sweet messages, minsan mga corny na joke. (Kahit hanggang ngayon) Ang sweet lang kasi sobra. Kahit minsan sa nabasa kong letter nya, parang binubugbog nya na ko ng literal.
Sinabi ko sa kanya na hindi naman nya kailangan gawin yun buwan buwan, na parang siya pa yung lalaki sa amin. Pero pinilit nya pa rin. Okay lang daw na ibuhos nya lahat kasi ako na yung huli. (Kinilig si gago! Haha)
1st ANNIVERSARY
Kaya nung first anniversary namin, naghanda talaga ako ng sobra. Nagrent pa ko ng resort sa Silang kahit for 12 hrs lang. Gusto kong maramdaman nyang espesyal sya sa lahat. At gusto kong maging one of the best memories namin 'to. Pero ako yung mas nasurprise..
Since 5pm pa ang sched dun sa resort, the night before our day, niyaya ko sya kumain sa labas. For just a simple celebration lang sabi ko sa kanya. It's fine with her.
And then yes, pagkamulat ko palang sa umaga, may post-it note agad na nakadikit sa noo ko. 'Good morning cutie patootie! Happy anniversary! C'mon wake up na. Hihi'
Too long to tell, masyado kasi sya maraming ginagawa bago ko mapanood yung video nya na nagsabing 'Thank You' with flying kiss.
Kahit thank you lang yun, bumilis na ang tibok ng puso ko. Ramdam ko na nadun na lahat sa Thank you nya yung lahat lahat ng gusto nyang sabihin. Hanggang sa may nagtakip ng mata ko gamit kamay niya at tumulong ng 'Happy anniversary babe. I love you..'
Yung boses nya shet! Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Ang sarap pakinggan ng paulit ulit. Punong puno ng sincerity. Niyakap ko sya at paulit ulit kami nagpalitan ng salitang 'Mahal na mahal kita'
Binigyan niya ako ng asong Pomeranian na may lahing chow chow. We named him, Cholo. Since sa kanya ay babae, si Scarlet. Eto muna yung nakakarami bago kami. Hahaha
Minsan dinadalhan nya ako ng mga paborito kong pagkain. Sa lahat ng game ko (basketball) nandyan siya para suportahan ako. Although hindi nya trip yung sumigaw para icheer ako, pero nagawa niya pa rin. Dala lang daw ng tuwa hahahaha talaga ha.
Tuwing may sakit ako, kahit malayong lugar pa ang pinanggagalingan nya, lalakbayin nya pa rin. Mapuntahan lang ako. Para alagaan ako. Tuwing down na down ako, tatahimik lang sya sa tabi ko at biglang hihirit ng mga corny nyang jokes at pick-up lines pero mabenta.
Kaya deserve nya lahat ng magagandang bagay dito sa mundo. Deserve nya yung best sa akin. Maraming beses ko man syang napaiyak, nandyan pa rin sya sa tabi ko. At hinding hindi daw sya matitinag. 'Iiyak lang naman ako eh. Di pa naman ako mamamatay. Kaya ko to hanggat nandyan kayo, hangga't nandyan ka. Hindi kita iiwan' ayan yung linya nya palagi tuwing napapaiyak ko sya o ng kahit anong bagay na nasasaktan siya ng sobra.
Babe, wag mo na pansinin yung hindi magandang sinasabi ng iba sayo. Maiinis ka lang naman sa kanila pero hindi mo kailangan yung mga salita nila para mabuhay. Basta ako kailangan kita. At mahal kita. Ayun ang importante.
Lumalaki man yung braso mo, yakang yaka mo na sila upakan babe! Go babe! Proud na proud ako sayo! Hahaha
- B-batchoy M-mo B-be
Filipino confession (Image credits to pixabay and PS) |
No comments