Astral Projection, Astral Travel And OBE Kababalaghan Nga Ba O Natural Na Penomena? Totoo Ba Ito?

Secret of Portal Lucid Dreams The Portal Virtual Reality World

Esotericism Astral projection is a term used in esotericism to describe a willful out-of-body experience that assumes the existence of a soul or consciousness called an "astral body" that is separate from the physical body and capable of travelling outside it throughout the universe.

Naranasan niyo na bang bigla kayong nagkamalay at nakita niyo ang sarili niyong nakahiga, natutulog habang kayo ay nakalutang? O di man kaya ay bigla kayong nasa labas ng bahay at naisip niyong pumasok pero pakiramdam niyo kayo ay nakalutang? O nakita niyong kayo ay lumilipad at kitang-kita niyo sa baba ang mga gusali at bigla kayong natakot at naramdaman niyong nahuhulog na kayo na tila may humatak sa inyo at bigla kayong nagising sa pagkakatulog? Hindi po tayo dapat matakot dahil karaniwan po itong nangyayari sa atin sa pagtulog lalo na kapag sobrang pagod natin sa maghapong pagtatrabaho. Ang OBE naman short for Out-Of-Body-Experience ay ang tawag kapag sinadya nating gawin ang Astral Projection or Conscious Projection.

Ang OBE, Astral Travel­ at Astral Projection, ito po ang mga karaniwang karanasan natin sa ating pagtulog na humihiwalay sa ating kata­wang lupa ang ating Astral body at may kakayanang maglakbay saan mang panig ng Universe pisikal man o astral universe. 

Kung ang tanong niyo ay ano ang pagkakaiba ng lucid drea­ming o gising ka sa panagi­nip at ng Astral Projection, Astral Travel o OBE? Simple lang: sa lucid­ dreaming ay kaya mong kontrolin o baguhin ang nararanasan mo tulad ng lugar kung nasaan ka at kung ano ang magagawa mo, habang sa Astral Travel o OBE ay totong nasa astral world ka para tuklasin ito at kontrolado mo lamang ang galaw mo hindi ang mismong astral realm dahil nakadisenyo na yun para sa ating lahat na naghihintay sa atin para tayo ay maglakbay. Ang matindi pa nito, maging sa pisikal na dimensiyon ay kaya nating maglakbay saan mang lugar sa mundo o ma­ging sa ibang planeta sa pamamagitan ng astral projection dahil nakahiwalay tayo sa ating katawang lupa. Ito ang karaniwang ginagawa ng mga beteranong astral traveller. Dalawang klase rin ang pamamaraan ng astral projection o OBE  puwede itong sadyang gawin o voluntary astral projection at hindi mo sinadyang gawin o invo­luntary astral projection. Dagdag pa dito, ang vo­luntary at involuntary astral projection ay maaa­ring conscious o unconscious depende sa estado ng iyong pag-iisip pag ginawa natin ito.

No comments

Powered by Blogger.