Mahal kita, hindi ko alam kung paano ko magsisimula. la lakasan ko na loob ko. sa bandang huli nyo na ko husgahan.
Masarap mabuhay kung may kung kasama mo yung taong mahal na mahal mo. may kinakasama po ako 8yrs kami magkarelasyon. opo masaya masarap sa una. binigay ko lahat lahat may anak pala kme babae. 5yrs old na. sobrang hirap ng dinanas ko sa kanya buong pamilya nya pina kasamahan ko. kabaligtaran nman ng pakikitungo nya sa pamilya ko. buong milya nya kilala ko pero mga kapatid ko at iba pa pamilya d nya kilala kase nga wla syang kwenta. marami ako naging trabaho syempre para sa kanila pero sa totoo lang hindi na po ako masaya sa kanya dinanas ko lahat. sa papasok ako sa work ng gutom tapos pag uwi ko gutom pa din ako. walang maasikaso sken ultimo paglalaba ng damit ako pa din. nagsawa na talaga ako ayoko na talaga hindi ko sila maiwan dahil ayoko maging walang kwentang lalaki. at ayokong masira ako dahil walang nakakaalam ng lahat lalabas na ako ang masama.
Eto na nga may bago na naman akong work. habang nsa interview ako may isang babae na pumukaw sa aking paningin. wow love at first sight. tumibok puso ko ng mabilis ang ganda ganda nya. crush ko sya oo. tanggap nako sa work nagpacute ako sa kanya masaya ko pag nakikita ko siya. gang sa nililigawan ko sya kahit may kinakasama ako. nagpanggap ako hiwalay sa kinakasama ko alam nya may anak ako pero tinanggap nya pa din ako. ramdam ko lahat buong pagmamahal nya. totoo lang sa kanya ko naranasan ang lahat. kahit sa mga ex ko sya ang pinaka. marami kaming plano sa buhay. sabi ko di ko na bibitawan to. araw araw kami magkasama araw araw din dinudurog puso ko sa konsensya dko alam kung paano ko sasabihin na may kinakasama pako. gang sa dumating yung araw na di ko inaasahan. diyos na din siguro ang gumawa ng way para malaman nilang dalawa. oo para nako kakainin ng lupa. nahuli na nila ko gumawa ako ng ibat ibang kwento kasinungalingan lahat lahat sising sisi ako sa ginawa ko. hiniwalayan ko ung kinakasama ko. dahil mahal na mahal ko ung babaeng nagpasaya sakin as in. dko na kaya mawala sya ung tipong gusto mo na magpakamatay pag nawala sya. nagsisi ako sana una palang hiniwalayan ko muna kinakasama ko bago ko pumasok sa panibagong relasyon. ngayon hindi na nya ko matanggap kahit anong sorry or effort na gawin ko hinding hindi na nya ko matanggap. 6 months ako nagpanggap sa kanya. lahat ng kaibigan nya kilala ko. pero sakin wala syang kilala dahil natatakot ako na baka malaman nya lahat. ngayon nagdurusa ako hindi ko alam kung pano nya ko mapapatawad at matatanggap. halos araw araw umiiyak ako nagdurusa nagsisisi. mahal na mahal na mahal ko sya. pero umaasa pa din ako na magkaayos kame kahit malabo na sino ba naman tatanggap sa kagaguhan ginawa ko. mahal na mahal ko. gusto ko ayusin lahat pero HULI NA
MAHAL NA MAHAL KITA SANA MAPATAWAD MO KO SA PAGKAKAMALI KO MAGBABAGO AKO AAYUSIN KO BUHAY KO PARA SAYO MAHAL KO"
- Graduate School
Filipino confession (Image credits to pixabay and PS) |
No comments