Amateur Pageant Questions And Answers Philippines

Mga Tanong Sa Isang Maliit Na Pageant Philippines Amateur Pageantry List of Possible Questions And Answers

K to 12

Mahalaga ang K to 12 sapagkat ito ang magbibigay ng karagdagang opurtunidad sa mga magaaral upang magkaroon ng mas mabuting trabaho na may kasanayan na at nahubog sa mga bagay patungkol sa magiging trabaho. Pagkatapos ng dalawang taong pagaaral ay maari nang makapagtrabaho at handa na sa mga hamon ng makabagong panahon.

Edukasyon
Ang edukasyon ang susi sa mga saradong pintuan ng ating buhay. Ito ay ang mga pinto ng pagunlad natin bilang TAO.

Money
Makakabili ka kung ano yung mga gusto mo, masusunod mo yung mga luho mo. At ang pera din ang nagiging dahilan ng malaking kaguluhan. Laging nating tatandaan na ang pera ay material lang at hindi mo madadala ito sa kabilang mundo.

Teenage pregnancy
Ang teenage pregnancy ay ang maagang pagbubuntis ng isang babae, na ang kadalasanng dahilan ay ang maling impresyon sa pagmamahal at kawalan nang kaamalayan. Maari itong maiwasan kung may patnubay ng magulang, at edukasyong mag papalawak pa lalo sa ating isipan, kung ano ang tama at mali pag dating sa kapusukan ng isang kabataan.

Poverty
Poverty ay isa sa malaking suliranin sa Philippine at sa ating gobyerno. Marami sa atin ang hindi nakakakain ng tatlong beses sa isang araw at walang permanenteng bahay. Bilang isang kabataan, at isang mamamayan. Ating tulungan ang mga taong alam nating nangangailangan.

HIV
Ang HIV ay isang virus na wala pang nakakaalam kung ano ang lunas. Bago tayo gumawa ng maling desisyon sa buhay, makipagtalik sa kung sino man, sana ay magkaroon tayo ng kaalaman sa mga bagay na ito. Na ang tanging solusyon lamang ay wag laging sundin ang tawag ng laman ng tao.

Crown
Ang best crown na aking natanggap ay magawa kong pumunta sa entablado na ito. Sapagkat, ito ang nagbigay sa akin ng kakayang sabihing ay kaya ko. Binigyan ako ng selfconfidence na magagamit sa mga susunod pang araw. Ang tunay na crown ay yung naging masaya ka sa ginawa mo.

Faith
Naniniwala ako na lahat kami dito ay pwedeng manalo. Nananampalataya ako sa ating Panginoon na kahit hindi man ako manalo, mapasaya lang ang mga nanonood ay masaya na ko. pero possitive to, na ang koronang iyon, ay maiuuwi ko.

Drug Abuse
Marami sa kababayn natin ang natotokhang, dahil sa pag gamit ng droga. Ako bilang kabataan, nangangakong hindi titikim ni isa man. Payo ko sa mga magulang, gabayan at alagaan ang ating mga anak, nang sa ganong paraan, hindi malihis ang kanilang landas.

Youth
Ang kabataang ang susi sa magandang kinabukasan. Bilang kabataan, layunin kong gumawa ng tama, tumulong sa mga nangangailangan, at ilayo ang sarili sa karahasan. Dahil bilang isang kabataan, tayo dapat ang magsulong ng kapayapaan.

Pageantry
Ito ang unang beses akong sumali sa ganitong patimpalak. Sa unang beses palang ay marami na akong natutunan. Hindi lang sa pakikipag labanan, subalit mas nanaig ang pakikipag kaibigan sa mga kasama ko dito. At iyon ang pinaka dabest part nang pagsali sa pageantry.

Phil. Festival
Ang Phil. Festival ay mahalaga sa atin, dahil dito, napapakita ang kasaysayan ng ating bansa. Isa na dito ang Singkaban na ating maipagmamalaki sa loob at labas ng ating bansa.

Climate change
Ang pagbabago ng klima ng mundo. Pagbaha ng malala dahil sa mga polusyon ng tao. Sa na ay ating solusyunan ito, sa simpleng pagtapong ng basura sa tamang tapunan ay malaking tulong na ito sa ikagaganda at ikakayos ng mahal nating mundo.

Cyber Bullying
Ang pambubully ay pambubully, nakahit sa social media pa ay pambubully parin. Mabuti at may batas na tayong pinatupad, na pinag babawal ang pambubully. Tandaan natin, huwag tayong pumanig sa isang direksyon lamang, dahil hindi natin napapansin na tayo narin ang nangbubully sa taong nambubully noon.

Gender Equality
Mabuhay ng tama, mamuhay ng payapa, magkaroon ng malasakit at pantay pantay na karapatan. Kung mabubuhay tayo sa galit, at kasuklaman, hindi sila ang may kasalanan, tayo na mismo ang may pagkukulang.

No comments

Powered by Blogger.