10 Mga bagay na Kailangan Ninyong Panatilihin Sa Aking Isipan Tungkol sa Aking Unang Eks Girlfriend

True To Life Pinoy Confession Story

Sampung Bagay
1.) when she’s talking, pay attention. Don’t look at your phone and drop what you’re doing at makinig ka sa mga kwento niya. It may have nothing to do with you but it keeps her happy to know you are listening, kahit walang ka sense sense mga pinag sasasabi niya. Pag nag jojoke siya, tumawa ka kahit gusto mo ng pumatay sa sobrang korni. Wag mo siyang bigyan ng facial expression na parang nawi’Weirdohan ka sa kanya kasi tatanungin niya kung bakit ganyan mukha mo at pag naka ngiwi na siya’t nakita mo na dimples niya tas ung eyebals niya nag 360 deg na, patay ka na.

2.) If there’s something wrong, tell her. Ayaw niya ng manghuhula.

3.) Kung may gusto kang ikwento sa kanya at nasimulan mo na sa “Uy! may kwento ako!” wag na wag mong susundan ng “ay wag na lang”, kasi ayaw niyang nabi bitin. Gusto mo maka kita ng pangil? kagatin ka niyan, pitbull yan eh. jk hahaha! Mahilig siya sa kwento. She loves talking as much as she loves to hear all your thoughts every now and then.

4.) Mahilig siya sa flowers. Tulips ang favorite niya. Nung kame pa, minsan ko lang siya mabigyan ng bulaklak kasi di naman ako mayaman at ang tagal kong stop edi no baun no gala. ang magagawa ko lng bibili ako ng tig 50 pesos na rose tapos dadalhin ko sa kanya pag susunduin ko siya sa LPU. Iingatan ko pa yon wag ma hanginan para di malanta agad. Never ko kasi siyang nabigyan ng tulips kasi bukod sa short ako, pag sinusundo ko siya pamasahe lng dala ko at pang kain nameng dalawa. Oo, namumulubi ako sa ganda niya haha. Pero worth it naman. Sobra.

5.) In terms of her anaconda sa tiyan;

- Pag mag mimilk tea kayo, ayaw niya ng pearls o tapioca.

- Mahilig siya sa Sushi- Specifically, California Maki.

- Ayaw niya ng KFC, wag mo siyang pakakainin don.

- Gusto niya ng Greenwich Pizza

- Gusto niya ng Chicken Alfredo pasta ng Yellow cab

- Gusto niya rin ng manok ng Chowking (Ung Lauriat) tsaka ng Max.

- Di siya mahilig sa tinapay, kaya kung kakaen kayo, mag suggest ka ng kainan na may kanin.

- Mahilig siya sa gulay pero wag mong pakakainin ng okra.

- At kung kakaen kayo ng Burger, tiisin mo ung bantot ng hininga niya dahil sa sibuyas. Sutil yon, kaya hihingahan ka pa non sa muka para maamoy mo ung bantot ng hininga niya. Pero don siya masaya kaya mahalin mo kahit ung weirdong tawa niya at puro gilagid makita mo. Kasi kahit ganon, sobrang ganda niya paren.

6.) Isang dekada bago matapos mag kilay yon. Aamagin ka muna sa pwesto mo bago siya maging satisfied sa itsura niya at pag natapos siya’t nag buntong hininga, iCompliment mo kahit mukang linta ung itsura ng kilay niya. hahaha. Pero ngayon, ang ganda niya na mag kilay kumpara dati, dapat maging honest ka sa kanya pag pantay o hindi kasi pag narealize niya na hindi pantay, buburahin niya ulit yun lahat tapos mag handa ka na ng unan at kumot haha. Naranasan ko kasi yon, nakaidlip ako sa tagal niya mag kilay. Kasi galing ako sa night shift kaya pag dating sa kaniya wala talaga akong tulog as in. (Working Student ako noon saglit, Sa Lasalle Dasma ako pumapasok, Sa MOA ako nag tatrabaho at sa LPU siya. Kaya pag tapos ng trabaho ko, dadaan akong Intramuros para puntahan siya tapos pasok school tas uwi) Namatay na ko’t nabuhay, di parin siya tapos. Ewan ko ba, pag naiisip ko napapangiti nlng ako kasi ang cute niya magalit pag di niya makuha yung gusto niyang itsura haha.

7.) Adik sa libro yon, so if you’re thinking of something to give, libro lang masayang masaya na yon. Lalo na pag hard bound. Mahilig manuod ng Sine yon so kung afford mo mag sine, dalin mo siya (Gusto niya ng Love Story, ung madrama, ung may mamamatay haha. Kung wala, Action movie na nakakatawa) Popcorn na cheese gusto niya. Nung kame kase, minsan lang kami manuod ng sine bukod sa hindi rin ako mahilig manuod ng movies haha. Pero kung mayaman lang ako, araw araw ko pa dinala yon sa sinehan. Baka pinakabitan ko pa ng TV sa muka yon. HAHA jk

8.) Gustong gusto niya ng stolen pictures. Wag ka papahalata na iniistolen mo siya, kasi pag nakita niya, hahablutin niya yang phone mo at makakasumpung kuhaan pa kayo bago siya makuntento. Minsan nga sasabihin niya pa “okay na yan” kahit di talaga okay, nangangalay lang yon hahaha. Kaya kumuha ka ng magandang anggulo. Ung matangos ilong niya, maputi siya, maganda buhok niya, maganda kilay niya at di sia nangungulangot. Oo, mahilig mangulangot yon. Wag mong lalagyan ng filter, gusto niya natural. Tapos, ipost mo. Kung ako sayo, mag caption ka na para bang ang ganda ganda niya (which is totoo naman). Kikiligin siya non.

9.) pag tiisan mo ung boses niya. Oo, sintunado siya minsan. MINSAN. I won’t lie, di ako mag susugar coat at sasabihin ang ganda sobra ng boses niya para lang mag mukhang ang sweet ako at dahil lang mahal ko siya. Pero pag kinantahan ka niya, nakakakilig kasi alam mo na kinakantahan ka niya para mapangiti ka at alam mong galing sa puso niya. tapos sabayan mo kahit muka pa kayong tangang dalawa, kahit muka kayong low budgeted na glee sa intramuros haha, Kantahan mo siya ng mga kantang alam niyang bagay sa kaniya o para sainyong dalawa.

at last.,

10.).. Mahalin mo siya. Mahalin mo kahit may nag lalakad na kulangot siya sa muka, Mahalin mo kahit amoy mandirigma na siya. Mahalin mo kahit amoy pabango ni Satanas ung utot niya. Mahalin mo kahit parang nilublob ng isang taon sa imburnal ung amoy ng paa niya. Mahalin mo kahit ang haba na ng sunod na talahib niya sa kili kili. Mahalin mo kahit ung mga kalyo sa bawat kanto ng daliri niya. Mahalin mo kahit ung bahing niyang parang busina ng truck. Mahalin mo kahit ung nunal niya sa ngala ngala. Mahalin mo kahit mas makapal pa minsan muka niya sa gilagid niya. Mahalin mo kahit kasing liit ng pasensya niya ung ipin niya. Basta mahalin mo ng buo. Mahalin mo lahat ng sa tingin mong pangit sa kanya, kasama ng lahat ng pangit sa kanya. Mahalin mo kahit pa ulit ulit ka niyang masaktan. Mahalin mo kahit ung mga bagay na hindi ka mahal mahal sa kaniya. Mahalin mo higit pa sa pag mamahal ko sa kanya. Kahit na alam kong wala ng makakahigit sa pag mamahal ko sa kanya.


Bully lang akong klase ng boyfriend nung kame kasi lagi kaming nag aasaran. pero ganiyan ako mag lambing sa kaniya kaya kung iniisip mo na ang mean ko sa mga sinabi ko sa kanya, para saken ilan lang yan sa mga bagay na minahal ko sa kanya at naging masaya ako sa kanya. Hindi ko siya minahal dahil maganda siya o dahil sikat siya o dahil may mga TVC siya at May music Vid ng sikat na banda sa pinas. Minahal ko siya ng buo bago niya narating yun. Highschool palang kami, mahal ko na siya ng ganito. Nung ako palang ang iniintindi niya.

Listen, bro..

Alam ko sikat ka. gwapo ka. matangkad. hearthrob ng LPU. at aminado ako, walang binatbat ang pagiging simpleng tao ko sa qualities na meron ka. Respeto, Effort at Pag mamahal ko lang ang pang laban ko. At alam kong meron ka rin non kaya di na ko nag tataka na mas pinili ka niya saken. Ako, mahal ako ng mother in law ko eh. Sa sobrang pag mamahal niya saken gusto na ko paunahin sa langit haha. Iglesia sila, Bornagain Christian ako. Ang labo, para kaming Romeo ang Juliet kasi kahit isa sa side namen walang legal.

sobrang swerte mo dahil nakasama mo siya sa US kahit ojt lang ung dahilan. Kung may pera lang ako, nag bakasyon pa sana ako don kasama siya haha. Kaso wala eh, na realize ko na kahit sa mga bagong kaibigan niya tinatago niya ako. ayaw niyang malaman na naging kami. pero alam ko naman ung dahilan. kahit masakit haha.

Alam mo ba pangarap namen dati yun. Punta ng Disneyland at Universal Studios ng mag kasama at nag eenjoy. Pangarap namen kumain kung saan saan at mag iinom kami ng kaming dalawa lang. Marami pa. Ngayon, tinutupad niya na sa iba. Tinutupad niya na kasama ka.

Sobrang nasaktan ako, nung nakita kong naka sandal ka sa balikat niya. Buti ka pa naka sandal don, di ko alam kung gaano katagal o ilang beses niyo ng ginawa yon o kung nag holding hands na agad kayo. ako kasi laging sinasandalan non e kaya pag bumabyahe kame mula manila hanggang cavite, ngalay na ngalay likod at leeg ko kamo haha. pupunta ako ng manila para lang umuwi pabalik haha. kahit mas matagal pa ung biyahe ko pa manila kesa sa oras na makakasama ko siya eh, okay lng alam kong mas pagod siya ang mahalaga nakapag kita kami. at alam ko ngayon, mas masaya yun kasi may hatid sundo siya sa auto mo. ung akin kasi binenta dahil sa katangahan ko eh.

sobrang nasaktan rin ako nung nakita kong inakbayan mo siya. Buti ka pa, kasi saken ayaw niyang inaakbayan ko siya in public kasi baka may makakita daw samen na kilala niya na pwedeng mag sumbong sa nanay niya. Pero kayo, wala pa akong isang linggo ng magkakilala, ginagawa mo na yun. Buti ka pa.

ang sakit sakit halos isumpa ko na ang snapchat sa mga nakikita ko. pero ginusto ko yun eh. kaya okay lang. kasi nakikita ko naman na masaya baby ko sayo.

Gusto kitang makilala. gusto kitang makilala para malaman ko anong klaseng lalaki ka at gusto ko malaman kung safe ba siya sayo. Pare, di ko siya inalagaan ng ilang taon para mapunta lang sa isang FB. Oo, ako yung klase ng ex na kahit sinaktan ako ng paulit ulit, hindi ako umalis sa tabi niya dahil ganon ko siya ka mahal. I wouldn't even consider it as “katangahan” kasi di ako nag se stay para ipagpilitan kong maging kami ulit or waiting na baka bumalik siya saken, no. My love was too unconditional, enough to accept the fact that we will never end up together at kaya ko makipag settle as friends just to look out for her and keep her from guys like your type. Pero hindi ko aam, bakit ikaw dalawang linggo palang kayong may something, nagawa ka niyang bigyan ng second chance. Habang ako tong kahit kailan hindi nag gago, ganon niya lang ako napalitan. It was unfair as hell, kasi wala namang problema samen. Just when I thought, eventually I was becoming the problem kasi di siya mag kaka pamilya saken.

Pero hindi ako galit. at sa lahat ng sinabi niya at ginawa niyang masakit, hindi ako galit at kahit kailan wala siyang narinig o maririnig saken. Dahil ganoon ko siya ka mahal. Sobrang mahal na mahal ko siya na hanggang ngayon di ko maisip na ganun lang kabilis nawala lahat. Nakuha mo yung taong sobra kong iningatan, sobra akong pinag effortan, sobra kong nirespeto na kahit kailan di ko ginalaw, maniwala ka sa hindi, totoo yon. at sobra mong minahal. Sobra.

kaya pare, pakiusap.

ingatan mo beng beng ko.

at para sa pinaka pangit kong first girlfriend;

.. Hi by, pasensya ka na ha, sa lahat. Pasensya ka na kung sa huli, hindi na ako naging sapat. Kung di mo na kinaya ang sitwasyon natin at nakahanap ka na ng iba. Tryko naman diba? haha nag effort naman ako sobra. Naging mean ka na saken at lahat lahat, pero isang message mo lang saken, di ako bastos kausap. Kahit na nasaktan ako sa tanong mong “sino ba ako” tuwing cold ka saken. Alam mo naman yun. Alam ng lahat ng kaibigan natin kung gaano ako mag effort sayo. Alam mo kung ano yung mga nagawa ko para sayo na kahit kailan hindi mapapantayan ng kahit na ano. You saw what I was capable of and even if I felt like being stabbed, I still choose to see past all your flaws. But one thing’s for sure, konti lang nakakaalam kung totoong nangyari. Ayoko mag bago tingin ng ibang tao sayo. I know you have reasons for your behavior. At hindi tamang nag ku kwento kung kani kanino (kahit friends parin haha) ng mga nangyari. Don’t worry, I still care for you a lot, kahit lagi mo sinasabi saken na wala ka ng pake sa sasabihin ng iba. We’ve gone through this a tens.

Alam ko iisipin mo drama nanaman to haha. Alam mo ba, naka ilang pag tanggap ako sa mga bagay bagay sating bago ko masabing huli na to. Sorry by ha, kung ang annoying. Ang sakit sakit kasi talaga eh. Ang hirap umusad tuwing naaalala ko lahat ng meron satin tas ganon lang nawala, what is 1778 days? haha. I’m sorry baby, i’m not as strong as you have always been. But this time, I’ve finally decided, I’m moving on for good. Wrapping the ribbon around the edge, I’m able, atlas.

Wag ka mag alala By, tanggap ko na. Tangaap ko ng ayaw mo na. Tanggap ko ng sawa ka na saken. Tanggap ko ng di mo nakikita future mo sa akin at tanggap ko ng di mo na ako mahal. Opo, tanggap ko na lahat ng sinabi mo sakin. Pero kahit ganon, wag na wag mong iisipin na galit ako sayo ha. Kasi mahal na mahal kita. Wag ka mag alala, kahit kailan hindi na makikibalita sa iba kung kamusta ka na. Kasi nakikita ko sa mga snapchat mo, masaya ka na. Masaya ka na ng totoo. Hanggang ngayon, ang sakit pa rin haha. Hindi ko maisip na ito na ang huling beses na mag post ako ng tungkol sayo. Maraming salamat sa lahat. Mag bago ka na ha? matuto ka ng maligo at wag mo ng uulitin ng 3 araw kang di naligo noon dahil malamig tubig HAHAHA. secret lang natin yun shh:))

Ayun. Ito na ang una’t huli mong Goodbye na matatanggap saken. Diba ayoko ng Goodbye kahit sa tawa pag ibababa mo haha maarte ako e hahaha.

Send my love to your new lover, treat him better.

Happy 5th Anniversary, Panget!

bawal malungkot, kakapal Gilagid mo hahaha!

Godbless you palagi, baby ko.

Mahal na mahal na mahal kita. Sobra.

- Ang taong walang pang Pak sa Ganern

© De La Salle University - Dasmariñas Secret Files

Filipino confession (Image credits to pixabay and PS

No comments

Powered by Blogger.