10 Signs Na May Gusto Sayo Ang Isang Lalaki

Eto nga pala ang 10 signs na may gusto sayo ang isang lalaki Gusto ka nang isang lalaki SenyalesTaglish

FILIPINO
10 Signs Na May Gusto Sayo Ang Isang Lalaki

#1. Tatanungin ka nya kung may boyfriend ka na o kaya curious siya kung sino ang crush mo. Pwedeng laalitin nya yung crush mo o kaya naman tutuksuhin ka nya sa crush mo para hindi obvious na may gusto siya sayo!

#2. Lagi ka nya iniinis! Tricks lang yun para pansin mo siya. Lolokohin ka nya hanggang sa mabadtrip ka pero pag-alam nya na galit ka na, magsosorry at lalambingin ka nya.

#3. Kung hindi man obvious na kinikilig siya kapag nanjan ka, makikita mo yun sa mga kaibigan nya! Malalaman mong may gusto sayo ang isang lalaki kapag mas kinikilig ang barkada nya kesa sa kanya. Alam kasi nila na crush ka niya.

#4. Pagseselosin ka niya. Kapag alam niya na gusto mo na rin siya pagseselosin ka niya! Hindi para masaktan ka pero para ma-confirm nya na crush mo na din siya! Ganun lang yun. Hindi ka naman magseselos kung hindi siya importante sayo dba?

#5. Concern siya sayo. Tatanungin kung kumain ka na, paano ka uuwi, sino ang mga kasama mo, bakit ka malungkot, tulog ka na ba? Lahat itatanong niya sayo. Da moves na rin yun para itext at kausapin mo siya.

#6. Magpapa-gwapo siya at magbabago para sayo! Mararamdaman mo yun kapag kasama mo siya. Mag-eeffort siya para magustuhan mo din siya.

#7. Kakaibiganin nya ang friends mo, kapatid mo, bestfriend mo, mga pinsan mo! Lahat ng related sayo. Kung seryoso talaga siya sayo ipaparamdam nya sa mga taong nagmamahal sayo na hindi ka niya sasaktan at pababayaan. Na safe ka sa piling niya.

#8. May respeto siya sayo. Oo lagi ka niya niloloko pero kapag iba na ang nanloko sayo, hindi pwede sa kanya yun! Ipagtatanggol ka niya sa mga mang-aasar sayo. Pprotektahan ka niya at ipaparamdam sayo na hindi ka nag-iisa.

#9. Kung nasan ka, nandun siya! Gagawin niya ang lahat makasama at makita ka lang. Kung may lakad ang barkada at kasama ka, sasama siya! Kapag nalaman niya na wala ka, tatamarin na! Basta ikaw ang usapan, mataas energy nya!

#10. Hihintayin ka niya kahit gano katagal. Kapag alam niya na hindi ka paready, hindi ka niya pipilitin. Handa siya maghintay para sayo kasi you’re worth the wait.

English Version: Top 10 Signs That A Guy Likes You

No comments

Powered by Blogger.