Ipalo Mo Sa Ulo Mo Yang Score Mo Na Mataas Pero Kopya Naman Meme

Kumopya Pero Mas Mataas Pa Ang Score Sa Pinag Kopyahan Copy Paste Pamore Onanay 314 Episode

Bukas na ang exam at hindi parin nag rereview si [Techni] isang pilyong binatilyo na nagmula sa lugar  na tinatawag ngayong Cavite. Wala siyang ibang inatupag kung hindi ay mag computer, at mag download ng mga images, lalo na ang video sa site na bawal, na ipinapakita niya sa mga tropa nya kapag nasa school. 

"Hoy bastardong hilaw, ano yang ginagawa mo at bakit ka lumilingon jan? Wala ka maisagot ano, at nangongopya kanalang sa katabi mo!."

Ang favorite nitong episode 314 ay ang Onanay on the bus go round and round ♫

"Bastos kang bata ka."

Ang pasigaw na naisambit ng kanyang ina na si [Imelda] sa kadahilanang nahulihan niya ito na may pirated image at video na puro Onanay sa cellphone nya.

Imelda: Ano ba yan anak ang bastos naman niyang nasa cellphone mo!
Techni: Nay napaka judgemental mo naman, at kung sakin man yan ay hindi na ako bata!
Imelda: Hoy, totoy!, hindi kita binilan ng cellphone Techni para mag lagay ng mahalay na ganyan.
Techni: Ay sus, ito naman... uso na ito ngayon.
Imelda: Anong uso, burahin mo nalang yan.
Techni: K... para naman nung kabataan nyo hindi kayo ganito ka pusok. Eto na at binura na oh.

At kinabukasan... eto na nga ang araw ng exam. Si Techni na taga Cavite ay wala ni isang na review, dahil nga sa napuyat ito kakanood ng Onanay, at okay lang naman daw ito dahil alam naman niya na maraming pwedeng kopyahan sa mga kaklase nya.

Pumasok na si Techni at nangontrata sa mga kaklase niya.

Thinking memes (Image credits to google)

Uy Org musta, pakopya mamaya ah, may papakita ako sayo, tignan mo to oh, eto Org oh nood tayo ng Onanay. Bago to, lumuhod si Helena saka si Natali kay Sir. Lucas dahil inaway nila si Mila. Org tara nood tayo, eto oh...

Org: What's Onanay? for your information I don't watch videos like that.
Techni: Oh common. Really? hindi talaga? kahit itong episode 314? ayaw mo?
Org: Yeah, I don't like it. And in the matter of fact, it's our examination, and I don't want to lose my intelligent to just watching that Onanay.
Techni: Ok, sayang naman, si Mila panaman tong ipapakita ko sayo, at kakanta sya ng ang awit na ito ay alay ko sayo. Episode na nasa island sila!

Nag pasya si Techni na umalis na at di na guluhin si Org at maghanap nalang ng bagong ko-kontratahin niya. pero... 

Org: Ehem, what did you say? Mila right? and they are on the island?
Techni: Oo bakit?
Org: Well, I just realized that... hmm I did not watch it before and maybe in someway I missed it. Can I see?
Techni: Yeah, sure! eto oh.
Org: Wow, this is worth it!
Techni: Oy, pakopya mamaya ah?
Org: No!
Techni: Why?
Org: Yes, if you can share it the latest Onanay Episodes.
Techni: Ay tuta, ayun lang pala eh. Eto oh buksan mo na share it mo.

Si Org nga pala ay ang top 1 sa class nila. Matalino, masipag at medyo nerd pero may pagkapilyo din naman.

Nagumpisa na nga ang exam...

Ok class, I will collect 50 php each of you for the test paper! you may pass it forwards to the front, and after you all pass it, then get one and pass to your back. And don't forget to not copy your sit mates, and if I found out youre copying, "hindi nyo alam kung paano ako magalit."

The exam will be start now!

Techni: Psst, pakopya na! tapos ka na ba?
Org: Yup, I am done. Here! please be quick copying it... don't copy it all.
Techni: Sure, I will copy only 20 and the rest will be inimini.
Org: Ok, good!

At, nakopya na nga ni Techni ang papel ni org... ang exam na ito ay ang pamantayan, kung sino ang magiging top 1. Na ang madalas na maka sungkit ay si Org.

Sa hindi inaasahang plot twist nagiba ang ihip nanghangin... tsinekan ni professor ang lahat ng papers sa araw din na yon.

Okay class, I have your result now... pwede na kayong umuwi maliban kay Techni at Org.

Org: What's the matter professor?
Techni: Ano pong problema maam?
Professor: I have a good news, and a bad news. The good news is isa sa inyo ang top 1, and the one is... I will reveal it later.
Org: Oh, wow that's a great news.
Techni: Ohh sheyttt
Professor: The good news is Techni will be the top1, because he got a perfect score and you Org got 20/50 which is not bad, pero sumama ka sakin sa office. Ikaw naman Techni pwede ka nang umuwi.
Techni: Ok maam.

"Wat da fak, 100 ako sa exam? omg... top 1 pa. huhuhuhahahaha!."

At the office
Professor: Alam mo Org, kanina ko pa nakikita na kinakausap mo si Techni kung hindi lang ako na triggered kanina, sasabihan kita ng "Hoy bastardong hilaw, ano yang ginagawa mo at bakit ka lumilingon jan? Wala ka maisagot ano, at nangongopya kanalang sa katabi mo!." buti at nagtimpi lang ako.
Org: Really? What's the matter ba?, and don't accuse me for the deed I never done. And, it's actually in reversed.
Professor: Reversed?, paano magiging reversed ehh tignan mo itong papers nyo at pareho kayo ng pangalan, I checked all the papers pero wala yung sayo! how could you explain it?
Org: I don't know, wala akong alam sa accusation mo professor, I know to myself I did not done anything wrong. Saka in my entire life never ako nag copy sa iba.
Professor: Never eto nga proweba oh, bulag kaba? Ang bata bata mo pa sinungaling ka na ah!
Org: Don't act like that professor, you look unprofessional.
Professor: Bastos kang bata ka ah.
Org: Saka si Techni nga ang humingi sakin ng favor to copy my test paper, and that's the truth.
Professor: Wag kanang mag alibi, wag ka na ding mag explain, nakapag disisyon na ko na ibagsak ka. And expect na talagang mababa ang grades mo. At, sige na you may go.

Napakalaking Twist naman ng nito, parang turnado na at bakit kaya parang nagkabliktad ang pangyayari? Ano kaya ang tunay na dahilan kung bakit si Techni ang nakakuha ng mataas na score pero in the first place sya lang naman talaga ang kumopya kay Org.

"Minsan ang buhay ay totoong mapag biro, na yung taong pinakopya mo na nga lang, ay mas nataasan ka pa sa exam."

Flash back...
Ok. Copy ko lang 20 tapos yung last 30 inimini ko nalang...

Sulat ko muna yung name ko, tapos section. Siguro etong 1 - 5, 10 - 15, 30 - 35 at 45 - 50 nalang copy ko... Ayos tapos na din.

Professor: class you have 1 minute to answer your paper... Ok past the paper forward.
Org: Are you done Techni?
Techni: Yes I'm done, ako na magpapasa.
Org: Okay.

"Pass it, finish or not finish."

Nalaglag ang paper na hawak ni Techni at ng pagkapulot nito ay napansin niyang wala palang pangalan ang papel nya, kung kaya ay dali dali niya itong sinulatan. Dahil na din sa pagmamadali, nalimutan ni Techni na ilagay ang section nila.

Pinasa na ito ni Techni at naghantay nalang para sa uwian.

"That professor is so unprofessional, palibhasa she's new in class."

What's the matter kaya, bakit ako pinagbintangan ni professor? I did not do anything wrong naman. Saka si Techni ang kumopya sakin. And now he is more in-rank than me? That is so unreal, yung pinaghirapan ko e nawala din.
I will go to the cr muna...

"Bakit kaya ako pa nakaperfect sa exam? At bakit kaya pinatawag si org sa office?."

Org: Hey, Techni! what did you have done? Why you change my name and put yours? Did you know I studied hard to get a high grades, and yet you just ruined it.
Techni: Nothing, I don't know why this happens.
Org: Don't act that you did not know, you're the only person I trust to use my papers! Did you know what I can do? Here!...

Sinipa sipa, tinadyakak ni Org si Techni ng paulit ulit, at ipinapaamin sa nagawa nitong kasalanan. Subalit hindi parin ito umaamin, at hindi niya daw ito maalala. Napuno na sa galit si Org at hindi na nakapag timpi, at ng dahil narin sa bugso ng damdamin, nasambit niya ang katagang.

Hindi lang pala top 1 si Org sa katalinuhan sa klase niya, isa din pala itong taekwondo students na top 1 din sa larangang ito, at naging champion pa sa mga competitions. Wala man sa itsura, pero si Org pala ay matikas sa pakikipaglaban.

Dahil sa pangyayaring ito, si Org ay nag bago. Matalino parin naman, subalit naging marahas. Kung sino man ang bumangga kanya ay siguradong hahatawin niya ng mga sipa at tadyak.

Duguan ang ilong ni Techni nung umuwi, nakita ito ng tropa niya na kung kaya ay nangamba. Tinonong ng tropa niya kung bakit siya nagkaganyan, sinabi ni Techni na si Org nga daw ang dahilan.

Kinabukasan, pinuntahan ng tropa ni Techni na si Cavita si Org para gantihan. Naabutan niya itong nasa labas ng room at nag lalakad. Agad na inaya ni Cavita si Org para makipag suntukan, pero bandang huli natalo din ni Org si Cavita. Dahil narin sa lakas ng mga sipa at tadyak ni Org, napaluhod niya si Cavita, at simula noon ay natakot na ito sa kanya.

Umusbong ang balita at natakot na ang lahat kay Org. Simula noon, ang estudyanteng matalino, top 1 sa klase, na medyo nerd at medyo kalog ay naging Isang bully, dahil lang isang pangyayaring ang pangongopya.

"Kinopyahan mo na nga lang, nataasan ka pa, at ngayon ay ipinahamak ka pa."

"Binubully mo noon, ay siyang nang bubully sayo ngayon."

Calculate memes (Image credits to google)

No comments

Powered by Blogger.