Alam nyo ba na yung free YouTube ng Smart ay pwede mong gamitin na pang download ng mga games, apps and kung ano mang free download sa google play store?. Well, I recently discovered this trick just accidentally nung napindot ko yung google play store app ko, tapos nagulat nalang ako dahil nakikita ko yung image ng mga apps and games which is hindi naman dapat, maliban kung may extra data ako. Bali yung promo na inavail ko nga pala ay yung favorite promo ko na Allout30 ng Smart Telecom.
Yung Allout30 nga pala ay package ng 300 MB na data + Unlimited Facebook + 30 mns Calls and Unlimited Text at yung new promo nila na 1.5 GB free YouTube.
At hindi lang yun ang pwedeng gawin sa free 1.5 GB ng Smart Telecom. Maari mo itong gamitin sa pag search sa google at pag browse ng site, kumbaga basta gawa ng google ay pwede, like google image, google search engine, especially google blogspot.com and etc etc.
Sa google image nga pala hindi mo pwedeng ma open yung link ng image, dahil yung front lang ang pwedeng ma access, parang puro thumbnail lang yung makikita mo. Same as google search engine, hindi mo ma aacesss yung mismong site. Sa blogspot naman ay pwedeng ma access yung loob or makapasok ka sa loob, kaya lang limited, or yung mga safe content lang, not include yung mga 18+ sites ng blogspot.com.
So ayun lang, pag nag avail ka ng promo ng Smart Telecom na Allout30 may free YouTube ka and na mention ko sa last post ko about reset ng midnight. Ganon din sa promo na to nag rereset ng midnight mga 12-3 am, bali may 3GB kang data for YouTube, Google Play Store, Blogspot.com and other Google Product.
🔺UNFORTUNATELY THIS PROMOS END LAST OCTOBER🔺
Smart Promos (Image credits to smart and PS) |
No comments