Top 10 Funny Filipino Jokes Usapang Sossy

Old But Gold Pinoy Meme Top Funny Jokes

Filipino Humors
#1 Funny Pinoy Humors Jokes
"Napanaginipan kita kagabi. Nakaupo sa tabi ng ilog, nag-iisa at mukhang mabigat ang loob.
Lalapitan sana kita at yayakapin. Pero bigla kang tumayo... 
at naghugas ng puwet."

#2 Funny Pinoy Humors Jokes
"Sa kalagitnaan ng gera"
Pedro: sumuko na kayo! wala rin kayo mapapala.
Terorista: susuko lang kami kung mai-spell mo yung ceasefire?
Pedro: ituloy ang laban! patay kung patay! Padadalhan ko kayo ng crysanthemum sa inyong libing!
Terorista: spell crysanthemum!

#3 Funny Pinoy Humors Jokes
Pedro: sabi ko rose, bingi ka ba? Laban kung laban..walang spellingan!"
"A Woman hurriedly entered into a Church where a ceremony is currently celebrated"
Woman: Stop the wedding!!

#4 Funny Pinoy Humors Jokes
The Priest replied: Say it louder please so that anyone can hear you out. 
Woman: I said stop the wedding!
Priest: This is not a Wedding, this is a Christening ceremony."

#5 Funny Pinoy Humors Jokes
"During the cremation"
All the relatives stood in silence. Everybody was silent till a child suddenly asked out of curiousity…
’Ma, hindi pa ba luto?"

#6 Funny Pinoy Humors Jokes
VENDOR: hoy! kahit ganito ako at nagtitinda lang ng palamig, may anak ako sa UP, UE, ATENEO at UST!
STUDENT: wow susyal! ano po mga course nila?
VENDOR: wala! Nagtitinda rin ng PALAMIG... 

#7 Funny Pinoy Humors Jokes
BF: Gusto ko pong maging asawa ang anak nyo.
TATAY ng GF: Bakit, kaya mo bang buhayin ang anak ko?
BF: Bakit po, patay na po ba siya?

#8 Funny Pinoy Humors Jokes
USAPANG SOSSY
AMO: inday, paalisin mo nga yung pulubi sa labas ng bahay.
(nilabas ni Inday)
INDAY: off you go! Under no circumstance this house would relent to such
unabashed display of vagrant destitution!
PULUBI: oh! I'm so ashamed! Such a mansion of social climbing freaks!
(nakakuha na ng katapat si Inday!)
NOSEBLEED!

#9 Funny Pinoy Humors Jokes
May joke ako about business.
Kaso baka di bumenta.

#10 Funny Pinoy Humors Jokes
May joke ako about basura
Kaso baka ikalat mo

Ang kasiyahan ay nabubuo ng dahil sa ating pagkatao at tayo ang may responsibilidad sa kasiyahang nararamdaman natin. Ang totoong kasiyahan ay makikita natin sa ating sarili. Hindi ibig sabihin nito na balewalain na natin ang panlabas na dahilan, kundi alamin natin ang tunay na dahilan kung bakit ito ang nararamdaman natin. Dahil ang mga emosyon at ang nararamdaman natin ay epekto sa kung paano natin nakikita ang buhay, epekto sa kung ano nga ba ang pinaniniwalaan natin. Lagi nating iniisip na kaylangan natin ng ibang tao o bagay upang maging masaya. Hindi na napapansin ang mismong karanasan.

Ngunit hindi ba mas mabuti kung mismong sa sarili pa lang ay alam na natin na buo na, na hindi na natin kaylangan ng dahilan, na alam mo sa sarili mo na sapat na. Lagi tayong naghahanap ng dahilan. Ngunit bakit nga ba tayo naghahanap? Dahil alam natin sa ating sarili na may kulang. At naiisip natin, ang paghahanap ng dahilan ang siyang pupuno sa mga pagkukulang sa ating sarili. Ang nagiging epekto nito, gumagawa na lang tayo ng mga bagay para makuha ang kapalit sa dulo ang maging masaya. Sa pamamagitan nito, mas mapapahalagahan natin ang bawat karanasan. At hindi na tayo gagawa ng bagay para lang makuha ang kapalit sa dulo, ngunit para mas lalo nating masiyasat ang iba’t-ibang bagay sa mundo. Maging masaya araw araw, labanan ang lunkot, at sumayaw ng charap charap, charap charap, charap mag chacha!

Getmypopcorn Memes (Image credits to pixabay)

No comments

Powered by Blogger.