Kapatid Ko Ay Manok Ni Tatay Meme

Panabong Manok Ni tatay meme Pinoy Meme

My Brother Is A Rooster Ang Kapatid Ko Ay Tandang
Hello nga pala sa brother ko na kumpleto sa aruga. Kumpleto bakuna, kumpleto pagkain, kumpleto lahat sunod sa luho! Hahaha.

Shout out kay nok nok na pinaka makisig at pinaka gwapo kong kapatid. Grabe naman kasi yung balahibo mo sa leeg nok nok parang gold, tapos yung balahibo mo sa buntot parang emerald yung kulay, na parang aurora in the dark of night. Ehem! ehem, ehem. Actually mas matanda ako sa kanya, pero mukang tandang siya sakin.

I was there nung pinanganak sya sa incubator, nung unang bungad palang ng napaka amo nyang mukha, sobrang tuwa na ni erpat ko. Huling huli ko syang papatak na ang luha, lalo na nung narinig namin ang una mong iyak. Grabe nok napaka tining ng boses mo nok nok, naniwala talaga ako noon na pag laki mo magiging singer ka! bakit ganon? tuwing umaga pag kagising mo sisigaw ka, pero husky yung boses mo, akala ko panaman rnb yung magiging genre mo, pero pang aegis pala.

Nasubay bayan ko din ang pag laki mo nok nok, nung naging binata ka, naging matapang, naging rockstar, nag pa mohalks, at nag pa pula ng buhok. Sabi ko pa nga kay erpat, pat! pagupitan mo na si bunso, mahaba na ang bugok oh. Pero ano? hindi ka pinagupitan ni erpat, hayaan ko lang daw, duon ka daw masaya. Sobrang spoiled mo talaga kay erpat nok nok, medyo nakakainggit ka. At eto pa nga, grabe ka talaga nok nok, lalo nat tuwing umaga, gigising ng maaga si erpat para lang tignan ka, tapos ano? bigyan at paghahainan ka ng masarap na almusal, yung tipong kumpleto's rekados at may vitamins pa, may kulay pa ang inumin, mukhang gatorade na minsan ko nga lang inumin.

Mahal na mahal ka ni erpat nok nok, ayaw nyang nagkakasakit ka, ayaw nyang nakikitang mahina ka. Kaya nok, good luck sa laban mo sa mga susunod na linggo, sana galingan mo nok nok, kayang kaya mong talunin sila, tiwala kami sayo. Alam mo naman ang kapalaran pag natalo hindi ba? Sana hindi mangayari, sana ay hindi mangyaring ipang sahog ka sa tinola, adobo, aruskaldo at lugaw, sana ay hindi mangyari iyon balang araw. Sana ay hindi ka matulad sa yumao nating kapatid na si tuka, rip sayo tuka, sariwa parin sa aking isipan kung gaano mo ginalingan sa laban mo. Nok! eenjoy mo lang buhay mo nok, malapit na ang finals, keep practicing and enjoy your short period of time, alam mong magiging superstar ka na.

And that is my message for my brother nok nok. Kayo rin ba yung tatay nyo or si erpat may alagang manok? at may panabong na manok? Di ko alam pero, siguro talagan ang lahing pinoy na lalaki ay hilig talaga ang pag aalaga ng manok. And guest what mahilig din ako sa manok kaya pabor na pabor sakin ang mga kapatid ko. hehe

Shout out nga pala sa inahing manok ng tatay ko, sarap ng itlog. Super fresh nung kinain ko, halos di na matanggal sa balat yung laman, kapit na kapit! fresh na fresh.

Update: Sa hindi inaasahang pangyayari, sad to say na natalo ang aking kapatid. Alam naman namin na ginawa niya ang best nya, para sa pangarap nya, pero siguro ganon talaga ang buhay, dalawala lang ang kapalaran, makamit ang pangarap o ipangsahog sa tinola. Proud ako sayo nok!

Manok Memes (Image credits to pixabay)

No comments

Powered by Blogger.